Base sa House Bill 4160 ni Romualdez, mula sa kasalukuyang 12 taong gulang ay itataas sa 16 na taong gulang ang maituturing na statutory rape o panggagahasa na hindi pinuwersa at may pahintulot ng biktima, anuman ang sexual orientation.
Parusang habambuhay na pagkakakulong ang ipapataw sa sinumang indibidwal na mahahatulang guilty sa statutory rape.
Ang pakikipagtalik aniya sa mga 16 years old pababa ay dapat nang ituring na rape kahit pa may pahintulot ito mula sa biktima.
Sa ilalim ng kasalukuyang batas, sakop ng statutory rape ang pakikipagtalik sa 12 years old pababa habang ang sexual activity sa below 18 years old ay maaaring ituring na child abuse o exploitation, bagay na ayon sa kongresista ay malayo sa international average na itinakda ng United Nations International Children’s Fund Sa East Asia at Pacific Region.
Nakasaad sa panukala ni Romualdez na maituturing na krimen ang pagpapasok ng ari, kamay at anumang bagay sa maselang bahagi ng katawan ng biktima kapag wala itong malay, pinilit o tinakot, nalasing dahil sa alak, nasa impluwensiya ng ilegal na droga at kapag sangkot sa sexual act ang dalawa o higit pang indibidwal.
May katapat ding parusa o kulong ang qualified seduction o pang-aakit sa 16 years old pababa gayundin ang consented abduction gaya ng pagtatanan.