Universal Health Care, tinawag na partial health care ni Rep. Salceda

Hindi kumbinsido si House Committee on Ways and Means Chair at Albay Rep. Joey Salceda sa pahayag ng Department of Health (DOH) na hindi lahat kayang masakop ng Universal Health Care Law.

Ayon kay Salceda, kung hindi lahat makikinabag sa batas ito ay partial health care law lamang.

Sinabi nito na dapat ipatupad ang batas sa buong bansa dahil ito ang mandato ng batas.

Hindi rin aniya katanggap-tanggap na dahil sa kakulangan ng pondo ay hindi maipapatupad sa buong bansa ang batas.

Marami aniyang maaring gawin ang DOH upang maipatupad ang UHC kabilang na ang regulasyon sa presyo ng mga gamot at ang pagbibigay ng bakuna upang bumaba ang bilang ng mga nasasawi sa mga sakit.

Sinabi ni Salceda na maari ring kausapin ng kagawaran ang mga samahan ng mga doktor para talakayin ang professional fees gayundin ang pakipagtulungan sa mga local government unit (LGU) para bumuo ng community health teams.

Read more...