BuCor chief Faeldon, pinagpapaliwanag ng DOJ ukol sa ulat ng paglaya ng apat na Chinese drug lords

Inatasan na ni officer-in-charge at Justice Secretary Menardo Guevarra sina Justice Undersecretary Deo Marco na kausapin si Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon.

Pahayag ito ni Guevarra matapos ibunyag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na apat na convicted Chinese drug lord na ang nakalaya ng New Bilibid Prison noong Hunyo.

Ayon kay Guevarra, nasa Palawan ngayon si Faeldon at pabalik pa lamang ng Maynila.

Sinabi ni Guevarra na prayoridad ngayon ng DOJ na i-review ang implementing rules and guidelines ng good conduct and time allowance kung saan muntik na ring makalaya si convicted rapist-murderer at dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez.

“Faeldon is in Palawan but he may be returning to Manila today. DOJ Usec. Deo Marco will talk directly with him. Our priority right now is to start and finish the review of the GCTA implementing rules and guidelines,” pahayag ni Guevarra.

Read more...