MMDA personnel, sugatan matapos saksakin ng magnanakaw sa Pasay

Sugatan ang isang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang saksakin ng isang magnanakaw sa Pasay City, araw ng Huwebes.

Ayon sa Pasay City police, sinaksak ang MMDA personnel na si Randy Domong-an, 46-anyos, ng isang magnanakaw na nagtangkang tumakas sa bahagi ng Macapagal Boulevard.

Nakita kasi ni Domong-an ang pagnanakaw ng suspek na si Rolando Reank, 46-anyos, sa bag ng vendor na si Renato Alzona, 42-anyos, bandang 12:00 ng tanghali.

Dahil dito, sinaksak ng suspek si Domong-an para makatakas.

Agad namang naisugod si Domong-an sa Pasay General Hospital.

Naaresto rin ng pulisya ang suspek.

Read more...