PRC binulabog ng bomb threat

Police banner

Binulabog ng bomb threat ang opisina ng Professional Regulation Commission (PRC) sa Sampaloc, Maynila Huwebes ng hapon.

Base sa ulat, agad rumesponde ang Explosives and Ordnance Division ng Manila Police District (MPD) sa lugar.

Dahil dito, pinalabas ang lahat ng empleyado sa gusali para sa pagsusuri.

Mahigit isang oras ring nahinto ang mga transaksyon sa PRC dahil sa bomb threat.

wala namang natagpuang bomba ang EOD sa gusali.

Read more...