Ayon kay Hataman, kung talagang isusulong ang “No Homework Policy” para sa mga bata ay kailangan munang ayusin ang gabundok na clerical work at reports ng mga teacher.
Marami anyang iniuuwing trabaho sa bahay ang mga guro na dapat isulat at isumite bukod pa sa pagkayod sa paaralan.
Kaugnay nito, iginiit ni Hataman na dapat nang repasuhin ang polisiya at tingnan kung tama pa ba ang dami ng reports na ipinagagawa sa teaching personnel o nakakasagabal na ito sa pagtuturo.
Pero nilinaw ng kongresista na walang masama sa paggawa ng reports upang ma-monitor ang performance ng isang teacher basta’t hindi ito mawawalan ng oras sa pamilya lalo na tuwing Sabado at Linggo na tambak rin ang labada sa bahay.
Hnimok naman nito ang Department of Education (DepEd) na solusyunan na ang isyu sa workload ng mga guro sa pamamagitan ng pagbabawas ng reports o pagdadagdag ng tauhan para gawin ang trabaho.