Mga pampasaherong bus nahuling nagpapalabas ng ‘Hello, Love, Goodbye’

Huli ang ilang pampasaherong bus sa isinagawang pagsalakay ng Optical Media Board sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITx).

Ayon sa OMB, nahuli ang mga bus na pag-aari ng Metro Manila Bus Co., Saulog Transit, at SanTrans Corp. na nagpapalabas ng “Hello, Love, Goodbye” at “Avengers: Endgame.”

Sinabi ng OMB na maaring maharap ang nasabing mga kumpanya ng bus sa paglabag sa Optical Media Act.

Nakumpiska mula sa mga pampasaherong bus ang USB flash drives na nagpapalaman ng pirated na mga pelikula.

May karampatang parusang pagkakakulong at multang aabot sa P1.5 million ang pamimirata.

Read more...