Bunga nito, inihain ni Sen. Panfilo Lacson ang Designated Survivor Bill.
Layon nito na maipagpatuloy ang pamumuno sa gobyerno sakaling sabay-sabay na mawala ang mga pinakamatataas na pinuno ng bansa.
Sinabi ni Lacson na napansin niya lang na sa tuwing SONA ng pangulo ay nasa iisang bubong ang lahat ng mga opisyal at kapag nagkaroon ng terror attack ay dapat may mamumuno agad sa gobyerno.
Paliwanag ni Lacson kapag walang nakaligtas sa mga senador at kongresista, ang ‘designated survivor’ ng pangulo ang awtomatikong mamumuno sa bansa.
Nakasaad din sa panukala ang pamumuno ng ‘designated survivor’ ay hanggang sa makapagpatawag ng special election.
Aminado si Lacson na may impluwensiya sa kanyang panukala ang US TV series na may titulong ‘Designated Survivor.’