Red lightning alert ilang minutong umiral sa NAIA

Nagtaas ng red lightning advisory sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nakaranas kasi ng malakas na pag-ulan sa bahagi ng NAIA dahilan para itaas ang red lightning alert alas 11:47 ng umaga ng Huwebes, Aug. 29.

Makalipas naman ang ilang minuto o dakong alas 12:03 ng tanghali ay binawi na rin agad ang alerto.

Kapag itinataas ang red lightning alert ay sinususpinde muna ang flight at ground operations sa NAIA.

Read more...