Ilang lalawigan sa Luzon uulanin ayon sa PAGASA

Makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa susunod na mga oras.

Ayon sa thunderstorm advisory na inilabas ng PAGASA alas 12:59 ng hapon ng Huwebes, Aug. 29, moderate hanggang heavy na pag-ulan ang mararanasan sa Tarlac, Zambales, Bataan at Quezon.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa mga bayan ng Pantabangan, San Jose, Lupao, Munoz, Rizal at Bongabon sa Nueva Ecija; Dona Remedios Trinidad at San Miguel sa Bulacan; Candaba, Pampanga; at sa Rodriguez at Antipolo sa Rizal.

Pinayuhan ang publiko sa flash floods o landslides na maaring maidulot ng malakas na buhos ng ulang mararanasan.

Read more...