Rock group na Bon Jovi maglalabas ng bagong album sa 2020

Maglalabas ng bagong album ang Rock and Roll Hall of Famer na Bon Jovi.

Ayon sa lead singer ng grupo na si Jon Bon Jovi ang bago nilang album ay may pamagat na “Bon Jovi : 2020.”

Sinabi ng singer na mas magiging “socially conscious” ang tema ng mga kanta sa bago nilang album na kaiba sa huling album nila noong 2016 na “This House is Not for Sale.”

Ang rock group ay kasama sa nag-perform sa music festival at sea sakay ng Runway to Paradise Mediterranean Cruise na naglayag mula sa Barcelona hanggang Palma sa Spain.

Ang Bon Jovi ay aktibo noong 1980s hanggang 1990 at nagpasikat sa mga kantang “You Give Love a Bad Name,” “It’s My Life,” “Livin’ On A Prayer,” at “Thank You For Loving Me.”

Read more...