Water level ng Angat dam umakyat na sa 182-meter level

Sumampa na sa 182-meter level ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa datos ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ng Huwebes, Aug. 29 nasa 182.16 meters na ang water level ng Angat.

Nadagdagan ito mula sa 181.69 meters kahapon.

Ang Ipo dam naman ay nasa 100.91 meters ang water level at ang La Mesa dam ay nasa 77.20 meters.

Nadagdagan din ang water level sa iba pang mga dam sa Luzon maliban lamang sa San Roque at Caliraya dams.

Read more...