Umapela ng tulong ang Davao City Government para sa mga residente nilang naapektuhan ng pagbaha bunsod ng pag-ulang dulot ng Habagat.
Ayon sa pamahalaang lungsod ng Davao pagkain at iba pang uri ng relief goods ang kailangan ng mga naapektuhang pamilya.
Maaring makipag-ugnayan kay Davao City Social Services and Development Office chief Malou Bermudo sa pagbibigay ng donasyon.
Maari ring mag-text o tumawag sa 09154002392; 09778341494; at 09178341494.
Simula din kagabi ay maari nang magbaba ng donasyon sa Davao City Hall.
Nagpatupad ng forced evacuation sa mga barangay Talomo, Matina, Aplaya, Matina Crossing, Matina Pangi, Tugbok at Los Amigos Area dahil sa naranasang malakas na buhos ng ulan.
MOST READ
LATEST STORIES