2 patay sa banggaan ng motorsiklo at dump truck sa Bacoor, Cavite

Patay ang dalawang katao sa aksidente na naganap sa Bacoor City sa Cavite.

Ayon sa Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office nangyari ang aksidente, alas 11:54 ng gabi ng Miyerkules, Aug. 28.

Binabagtas ng motorsiklo ang Aguinaldo Highway nang makabanggaan nnito ang isang dump truck pagsapit sa intersection ng SM Bacoor.

Dead on the spot ang isa sa mga sakay ng motorsiklo. Habang idineklara namang dead on arrival sa ospital ang isa pa.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring aksidente.

Read more...