Ayon sa 4am weather update ng ahensya, patuloy ang paglayo ng Bagyong Jenny sa Pilipinas at papalapit na ito sa eastern part ng Southern China.
Gayunman, pinalalakas pa rin ng bagyo ang southwest monsoon o Habagat na nagdudulot ng maalon na coastal waters.
Dahil sa Habagat, maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa MIMAROPA, mga lalawigan ng Zambales, Bataan at Batangas.
Sa Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon, buong Visayas at Mindanao, magiging maalinsangan at mainit ang panahon na may posibilidad ng mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Samantala, nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag ng maliliit na sasakyang pandagat sa mga baybaying dagat ng mga sumusunod na lugar:
• Zambales
• Bataan
• Batangas
• Occidental Mindoro
• Marinduque
• Romblon
• Palawan
• Aklan
• Antique
• Ilocos Norte
• Ilocos Sur
• La Union
• Pangasinan
• Batanes
• Cagayan kasama ang Babuyan
• Isabela
• Aurora
• Quezon
• Polilio Islands