26 patay sa arson attack sa isang bar sa Mexico

AP Photo

Patay ang hindi bababa sa 26 katao habang 11 pa ang sugatan sa naganap na arson attack sa isang bar sa Coatzacoalcos, Veracruz, Mexico.

Sa isang pulong balitaan araw ng Miyerkules, ikwinento ni President Andrés Manuel López Obrador ang karumal-dumal na ginawa ng mga nasa likod ng pag-atake.

Ayon sa presidente, pumasok sa “Bar Caballo Blanco” ang mga suspek at isinara ang mga trangkahan nito at ang mga emergency exits at saka nagpasiklab ng apoy.

Sa ulat ng Mexican media, pinaulanan ng bala ang bar at tinapunan ng Molotov cocktails.

Napag-alamang ang mga suspek ay dati nang naaresto at kalalaya lamang.

Sinabi naman ni Veracruz regional governor Cuitláhuac García na tiniyak ng pulisya na huhulihin at pananagutin ang mga umatake.

Read more...