Natupok ng apoy ang isang bahay sa Brgy. St. Peter, Quezon City, Miyerkules ng gabi.
Ayon kay Fire Insp. Valencio Hidalgo ng Bureau of Fire Protection (BFP) – Quezon City, nag-umpisa ang sunog sa unang palapag ng bahay ni Roselito Angeles.
Agat kumalat ang apoy sa buong bahay na pawang gawa sa light materials.
Ayon kay Angeles, ang mamihan na nangungupahan sa unang palapag ng bahay ang pinagmulan ng sunog.
Umabot ng halos isang oras bago naapula ang sunog na umabot sa ikatlong alarma.
Walang nasaktan sa sunog at patuloy na inaalam ang sanhi nito.
Umabot sa P30,000 ang halaga ng pinsala sa ari-arian ng sunog at pansamantalang nanunuluyan sa barangay hall ang limang pamilya na naapektuhan.
MOST READ
LATEST STORIES