DepEd suportado ang ‘no-homework policy’

Nagpahayag ang Department of Education (DepEd) ng pagsuporta sa isinusulong na “no homework policy” sa mga estudyante.

Sa isang pahayag ay sinabi ng DepEd na suportado nila ang panukalang batas ng mga mambabatas na hindi bigyan ng asignatura ang mga estudyante.

Pag-aaralan ng ahensya ang ibang probisyon ng mga bills na inihain sa Kamara at Senado para alamin ang mga epekto nito sa kasalukuyang paraan at proseso ng pagtuturo at pag-aaral.

Gayunman ay iginiit ng DepEd ang nais nito na pangkalahatang pag-unlad ng mga estudyante sa loob at labas ng eskwelahan.

Binangit sa statement ang DepEd Memorandum No. 392 noong 2010 kaugnay ng mga alituntunin sa pagbibigay ng homework sa lahat ng public elementary school pupils.

 

Read more...