Sa kanyang radio program na “BISErbisyong Leni”, pinayuhan ni Robredo ang national men’s basketball team na pagbutihan ang mga laro.
Anuman anya ang maging resulta ay proud siya sa Gilas Pilipinas at nagpapasalamat siya para sa sakripisyo.
“Pagbutihin na lang nila pero ano man iyong resulta, nagpapasalamat pa rin tayo at proud tayo sa kanila,” ani Robredo.
Panalangin ng bise presidente ang tagumpay ng Gilas.
Nakatakda nang magsimula ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA sa Sabado, August 31 kung saan una nitong makakalaban ang Italy.
Papanuorin mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang laban ng national men’s basketball team.
Ayon kay Robredo, malaking tulong sa kumpyansa ng mga manlalaro ang presensya ng presidente.