M3.2 na lindol naitala sa Surigao del Sur

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bahagi ng Surigao del Sur alas-1:51 Huwebes ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 15 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng San Miguel.

May lalim ang pagyanig na 24 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Wala namang naging pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...