Sa kauna-unahang pagkakataon: Pilipinas bibili ng submarines

Upang mapalakas pa ang Hukbong Pandagat, plano ng gobyerno na bumili ng bagong barkong pandigma at submarines.

Sa harap ng mga mamamahayag araw ng Miyerkules, sinabi ni Philippine Navy Flag Officer-in-Command Vice Admiral Robert Empedrad na dalawang submarines ang bibilhin ng bansa.

Aprubado na umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbili sa mga bagong assets ng Philippine Navy.

Ang mga bibilhin ay:

Ayon kay Empedrad, kumpara sa mga kapitbahay na bansa na may malalakas na Hukbong Pandagat ay  napakalayo pa ng kakayahan ng Pilipinas.

Upang maisakatuparan ang modernization plan para sa Navy, pinaplano ang pagpapaupa sa kanilang Jose Andrada Naval Station sa Roxas Boulevard sa halagang P40 bilyon.

Ito ay kahit sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na ang kikitain sa pag-papaupa ay magagamit para dagdagan ang pension ng mga retiradong sundalo at war veterans.

Giit ni Empedrad, mas gugustuhin niyang magamit ang pera sa modernisasyon ng Navy.

Mabagal man anya ang progreso para sa modernisasyon ng Hukbong Pandagat ay sigurado naman ito.

Naniniwala si Empedrad na sa pagdating ng bagong assets ng Navy, mapapalakas ang kakayahan para mabantayan ang maritime waters ng bansa.

 

Read more...