M3.2 na lindol naitala sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-11:45 Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 110 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Sarangani.

May lalim ang pagyanig na isang kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Wala namang naging pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...