Dumating na sa Beijing, China si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang inaabangang pulong kasama si Chinese President Xi Jinping.
Ang pangulo at ang kanyang delegasyon ay lumapag sa Beijing eksakto alas-11:11 ng Miyerkules ng gabi.
Kasama sa biyahe ni Duterte sina:
- Executive Secretary Salvador Medialdea
- Presidential Spokesperson Salvador Panelo
- Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.
- Defense Secretary Delfin Lorenzana
- Finance Secretary Carlos Dominguez III
- Trade and Industry Secretary Ramon Lopez
- Science and Technology Secretary Fortunato Dela Peña
- Energy Secretary Alfonso Cusi
- National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr
- Commission on Higher Education Chairperson Prospero De Vera III
- Customs Commissioner Rey Guerrero
Ilan sa mga opisyal ay nauna nang dumating sa China bago ang pangulo.
Ngayong araw, August 29, magaganap ang bilateral meeting ni Duterte kay Xi sa Diaoyutai State Guesthouse.
Nauna nang sinabi ni Panelo na ididiga ng presidente kay Xi ang arbitral ruling na pumapabor sa Pilipinas sa pag-angkin sa mga teritoryo sa West Philippine Sea.
Plano ring talakayin ang Code of Conduct at oil and gas exploration sa kontrobersyal na katubigan sa hatiang 60-40 pabor sa Pilipinas.
Matapos ang pulong, may nakahandang state banquet para sa pangulo.
Bukas, Biyernes, bandang hapon ay may pulong din ang pangulo kay Chinese Premier Li Keqiang.
Kinagabihan naman ay dadalo ang presidente sa FIBA Basketball World Cup Opening Ceremony.
Sa Sabado, Augut 31, lilipad ang pangulo patungong Foshan, Guangdong province para panoorin ang laban ng Gilas Pilipinas kontra Italy.