5 arestado sa loteng sa Makati City

PIO NCRPO photo

Naaresto ang lima katao matapos mahuli sa aktong sangkot sa operasyon ng illegal numbers game na ‘loteng’ sa Makati City.

Batay sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), isinagawa ang operasyon ng Makati City police sa bahagi ng Progreso Street sa Barangay Guadalupe Viejo.

Nakatanggap ng impormasyon ang Regional Special Operations Unit ng NCRPO ukol sa operasyon ng loteng sa lugar.

Nakilala ang mga suspek na sina Erika Abenio, 24 anyos; Arnel Gutierrez, 64 anyos; Rodel Gelig, 35 anyos; Herminio Vasquez, 74 anyos; at si Jerome Romasanta, 30 anyos.

Nakuha sa mga suspek ang pera na ginamit sa sugal na P1,490 at ilang kagamitan sa loteng.

Sasampahan naman ang mga suspek ng karampatang kaso.

 

Read more...