Naaresto ng mga elemento ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) ang isang umanoy fixer ng birth certificate sa Manila City Hall na tinangkang maningil sa biktima ng P15,000.
Arestado ang fixer at kasabwat nito sa entrapment operation matapos magreklamo ang isang residente sa Civil Registry Office na pinamumunuan ni officer in charge Atty. Cris Tenorio.
Hinuli ang dalawang suspect matapos nilang tanggapin ang marked money mula sa complainant.
Lumabas sa imbestigasyon na humingi ang fixer ng P15,000 para sa pagproseso ng birth certificate ng kapatid ng biktima.
Pero walang dalang ganoong halaga ang biktima at nagkasundo na P1,300 na lamang ang bayad.
Ayon kay Police Major Rosalino Ibay Jr., MPD SMaRT, kakasuhan ang dalawang suspect ng robbery extortion.
Nagpaalala naman ang Manila Civil Registry Office (MCRO) na P50 lamang ang bayad sa pagkuha ng birth certificate sa city hall.