Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Justice Secretary Menardo Guevarra bilagt caretaker ng bansa habang nasa apat na araw na pagbisita sa China ang pangulo.
Ngayong gabi ay nakatakdang lumipad ang pangulo sa China kasama si Executive Sec. Salvador Medialdea at ilang miyembro ng gabinete.
Kabilang sa schedule ng pangulo ay ang meeting kay Chinese President Xi Jinping kung saan ay kanyang sinabi na tatalakayin nila ang isyu sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Taong 2017 nang unang maitalaga bilang caretaker nang bansa si Guevarra nang magtungo ang pangulo sa Russia.
Nasundan pa ito ng ilang pagkakataon kapag kasama sa foreign trip ang executive secretary na kadalasang itinatalaga bilang “officer-in-charge” ng gobyerno.
Magugunitang minsan na ring nasabi ng justice secretary na nagkakaroon siya ng phobia sa tuwing naitatalaga siya bilang caretaker ng bansa.