May-ari ng Chinese vessel na bumangga sa bangka ng mga Pinoy nag-sorry na

File photo

Humingi na ng paumanhin ang may-ari ng Chinese vessel na nakabangga sa bangka ng mga mangingisda sa Recto Bank noong June 9.

Sa pulong balitaan sa Beijing, China, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na may apology letter ang embahada ng China.

Base sa apology letter na ipinost sa Twitter ng Department of Foreign Affairs, aksidente at hindi sinadya ng Chinese vessel ang insidente.

Nakasaad pa sa liham na hinihimok nito ang Pilipinas na maghain ng civil compensation base sa actual loss para sa mga Filipinong mangingisda.

Matatandaang iniwan sa gitna ng karagatan ng Chinese vessel ang dalawampu’t dalawang mangingisda matapos mabangga ang kanilang bangkang FB Gem Ver 1 sa Recto Bank.

Inilabas ng China ang sorry kasabay ng pagbiyahe ngayong hapon sa Beijing ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa nakatakang bilateral talks nila bukas kasama si Chinese President Xi Jinping.

Nabatid na nakarehistro sa Guangdong ang may ari ng Chinese vessel na nakabangga sa bangka ng mga Filipinong mangingisda.

Read more...