Mga bagong riles ng MRT dumating na sa bansa

DOTr photo

Nailipat na ang nasa 4,053 na piraso ng bagong riles para sa gagawing rail replacement activities ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa tracks laydown yard sa Parañaque City.

Sa Twitter, sinabi ng Department of Transportation MRT-3 na sinimulang ilipat ang mga riles na may habang 18 metro mula Harbour Port Center sa Maynila noong August 20, 2019.

Ipapalit ito sa mga lumang riles ng MRT-3 sa buwan ng Nobyembre hanggang Pebrero sa taong 2021.

Nakatakdang simulan ang konstruksyon sa bahagi ng  welding area ng MRT-3 Taft Avenue Station sa unang araw ng Setyembre.

Makatutulong ang mga bagong riles para maiwasan ang matagtag na biyahe ng tren na nagiging sanhi ng aberya.

Read more...