Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga magsasaka na ang makakukuha ng malaking pondo sa pamahalaan sa huling dalawang taong panunungkulan sa Malacanang.
Sa talumpati ng pangulo sa anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program sa Quezon City, sinabi nito na sa ngayon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Education muna ang makakukuha ng malaking pondo.
Pero sa susunod aniya na dalawnag taon, ang mga magsasaka na ang mabibigyan ng pondo.
Inatasan na rin ng pangulo ang National Food Authority (NFA) na bilhin na muna ang palay na aanihin ng mga magsasaka kahit na mataas ang presyo.
Hindi na aniya bale na malugi na muna ang gobyerno at bilhin na muna ang palay kahit na doblado ang presyo.
MOST READ
LATEST STORIES