8 kumpanyang Pinoy kasama sa “Best Over A Billion” list ng Forbe’s

Photo: SM

Walong kumpanyang Pinoy ang pasok sa Forbes Asia’s “Best Over A Billion” list.

Ang mga kumpanyang ito ay kabilang sa 200 top-performing listed companies sa kabuuan ng Asia-Pacific region kung saan ang taunang kita ay hindi bababa sa $1 billion.

Kabilang sa listahan ang SM Investment Corp. na may kabuuang market revenue share na $22.796 billion.

Kasunod dito ang San Miguel Food and Beverage na may market value $11.861 billion.

Ikatlo sa listahan ang  Ayala Corp. an mayroong market value share na  $11.171 billion.

Kasama rin sa listahan ang JG Summit Holdings ($9.037 billion), Jollibee Foods Corp. ($4.829 billion market value), at Megaworld Corp. ($3.765 billion).

Kasama rin sa listahan ng Forbes ang GT Capital Holdings followed na mayroong $3.743 billion  market value at Cosco Capital($942 million).

Sinabi ng Forbes na maraming mga bagong kumpanya ang napasama sa “Over A Billion” list na kinabibilangan ng 200 best performing, small and mid-sized companies sa kabuuan ng the Asia-Pacific region.

Ang 200 mga kumpanya ay hinimay mula sa 3,200 listed companies sa Asia-Pacific region kung saan kasama sa mga binusisi ay ang kanilang average five-year sales, operating income growth, return on capital, at projected growth sa susunod na ilang mga taon.

Read more...