Rep. Eric Yap dumipensa sa batikos ni PCSO Board Member Sandra Cam

Dumipensa si House Games and Amusement Committee chairman Eric Yap matapos na batikusin ni PCSO Board Member Sandra Cam ang naging takbo ng pagdinig ng komite.

Bigo kasi si Cam na iprisinta ang mga hawak nitong ebidensya hinggil sa aniya’y malawak na katiwalin sa loob ng PCSO.

Sinabi ng kongresista na ang pagdinig ay nakatuon lamang sa organizational meeting sa mga programa ng PCSO kaya hindi akma sa agenda ang nais na pagsisiwalat ni Cam.

Bukod dito, iginiit ni Yap na hindi niya alam na balak pala ni Cam na isagawa ang pagbubulgar sa kanilang pagdinig.

Nauna nang sinabi ni Cam na ilang matataas na opisyal kabilang na ang mga retired military generals ang sangkot sa korapsyon sa loob ng government gaming agency.

Read more...