Sa budget hearing sa Kamara, sinabi Health Sec. Francisco Duque III na aabot na sa mahigit P140 million ang kanilang nailabas magmula nang maideklarang national epidemic ang dengue noong Agosto 6.
Sa naturang halaga, nasa P80 million aniya rito ay napunta sa kanilang quick response fund, na nagamit naman ng mga lokal na pamahalaan na lubos na apektado ng dengue.
Sinabi ng kalihim na nakatulong din ang pagdeklara nila ng national epidemic dahil mas napaigting ang koordinasyon sa pagitan ng DOH at LGUs sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Sa ngayon, ayon kay Duque, 208,817 na ang bilang ng mga nagka-dengue sa bansa mula Enero 1 hanggang Agosto 10 ng taong kasalukuyan, mas mababa kumpara sa kaparehas na period noong nakaraang taon.
Nasa apat na porsiyento naman aniya ang bilang ng mga nasawi dahil sa naturang sakit.