Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa layong 305 kilometers West Northwest ng Dagupan City, Pangasinan o sa 290 kilometers West ng Sinait, Ilocos Sur.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Northwest sa bilis na 40 kilometers bawat oras.
Dahil malayo na sa kalupaan ang bagyo at ito ay nasa West Philippine Sea na ay inalis na ng PAGASA ang lahat ng umiiral na tropical cyclone wind signals.
Pero ayon sa PAGASA ang ang Habagat ay maghahatid pa rin ng mahina hanggang katamtaman at paminsan-minsang malakas na buhos ng ulan sa Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Mindoro Provinces, Romblon, at Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands.
Habang kalat-kalat na pag-ulan naman ang mararanasan sa Ilocos Region, Bangsamoro, Zambales, at Bataan.
Inaasahang lalabas na ng bansa ngayong araw ang bagyo.