Korean actor na si Park Seo-joon bibisita sa bansa sa susunod na buwan

Bibisita sa bansa ang Korean actor na si Park Seo-joon sa September, 29, 2019.

Inanunsyo ito ng local clothing brand na Bench sa kanilang Instagram account.

Nakatakda pa lang i-release ang venue at ang halaga ng ticket para sa fan meeting ng aktor.

Noong Abril, nagpatikim na ang Bench sa posibleng pagbisita sa bansa ng aktor bilang bago nilang endorser.

Si Park ay nagsimula sa mga seryeng “She Was Pretty,” “Hwarang,” “What’s Wrong With Secretary Kim?” at “The Divine Fury.”

Read more...