Tatlong suspek sa ilegal na droga nadakip ng Manila police

Tatlong suspek sa pagbebenta ng bawal na droga ang naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa nakalipas na magdamag.

Sina Norham Lumban, 19-anyos at ang 51-anyos na si Ricardo Pilarta ay nadakip sa Loyola St. kanto ng Recto St., Brgy. 395, Zone 41, sa Sampaloc.

Habang pasado alas 12:00 ng hatinggabi nadakip ang 37-anyos na si Christian Jose sa Zapanta St., sa Malate.

Sa report kay MPD Director Vicente Danao, Jr., nahuli ang mga suspek sa aktong pagtutulak ng bawal na droga.

Sila ay kakasuhan ng paglabag sa RA 6195 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ngayong araw.

Read more...