Biyahe ng mga sasakyang pandagat patungo ng Coron, Palawan suspendido muna – Coast Guard

Suspendido ang lahat ng biyahe ng sasakyang pandagat patungo ng Coron, Palawan.

Ayon sa Philippine Coast Guard station sa El Nido, suspendido rin ang Island hopping activities sa Bacuit Bay dahil sa hindi magandang lagay ng panahon.

Nagtaas din ng gale warning ang PAGASA sa Noprthern at Western seaboard ng Palawan kaya hindi pwedeng maglayag ang mga sasakyang pandagat.

Ang hindi magandang panahon na nararanasan sa Palawan ay dahil sa Habagat na pinalalakas ng bagyong Jenny.

Read more...