Ito ang inihayag ni Japanese Defense Minister Takeshi Iwaya sa isang news conference.
Ayon kay Iwaya, ang mga paglulunsad ng missile ng NoKor nitong nagdaang mga araw ay mayroong hindi pangkarinawang trajectories.
Ang panibagong pagpapakawala ng short-range missile ng Pyongyang ay nagdulot na ng pagka-alarma sa pamahalaan ng Japan.
Noong Martes, nagpatawag ng closed-door discussion ang United Nations Security Council base sa hiling ng Germany, France at Britain para talakayin ang aksyon ng NoKor.
Kinondena ng tatlong bansa ang anila ay mapanghamong hakbang ng Pyongyang at sinabing paglabag ito sa mga resolusyon ng Security Council.
MOST READ
LATEST STORIES