LOOK: President Duterte nag-burger sa isang fast food chain kagabi

Dumaan sa isang fast food chain kagabi si Pangulong Rodrigo Duterte kasama si Senator Bong Go.

Sa larawan na ibinahagi ni Senator Bong Go sa kaniyang Facebook page makikitang kumakain sila ng pangulo sa Burger King.

Burger at fries ang inorder ng pangulo.

Nakaitim na polo shirt, pants at naka-tsinelas lamang ang pangulo base sa mga larawan na ibinahagi ng senador.

May caption na “Time out muna! Gutom na kami ni tatay Digong. Burger muna.” ang mga naka-post na larawan.

Ngayong araw ang alis ng pangulo patungo sa China para sa ikalima niyang pagbisita doon.

Read more...