High-value target arestado sa Makati

Nadakip ng mga tauhan ng Makati City police ang isang lalaki na itinuturing na high-value target sa lungsod.

Ikinasa ng mga pulis ang buy-bust operation sa Barangay Pio Del Pilar laban sa 45 anyos na suspek.

Positibong nakabili ang poseur buyer ng P1,000 halaga ng shabu mula sa kaniya dahilan para siya ay arestuhin.

Ayon ka Makati City police chief, Police Col. Rogelio Simon, ang suspek ay kunektado sa isang local drug group.

Ani Simon, dating talamak sa pagtutulak ng ilegal na droga ang grupong kinabibilangan ng suspek pero nagsimulang magkaniya-kaniya ang mga miyembro nito.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...