Sa 5:00AM weather bulletin ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa layong 125 kilometers Northwest ng Dagupan City, Pangasinan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 85 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 35 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.
Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na mga lugar:
• Cagayan
• Isabela
• Quirino
• Nueva Vizcaya
• Apayao
• Abra
• Kalinga
• Mountain Province
• Ifugao
• Benguet
• Ilocos Norte
• Ilocos Sur
• La Union
• Pangasinan
• Zambales
• Tarlac
• Nueva Ecija
• Aurora
• Pampanga
• Bulacan
• northern portion of Quezon kabilang ang Polillo Islands
Ayon sa PAGASA maaring mag-reintensify ang bagyo ay maging isang tropical storm muli habang papalayo ito ng landmass.
Maghahatid pa rin ito ng mahina hanggang katamtaman at madalas na malakas na pag-ulan ngayong araw sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya.
Habang mahina hanggang katamtaman naman at paminsan-minsang malakas na ulan sa Central Luzon, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Mindoro Provinces, at Palawan.
Ang mga residente sa nabanggit na mga lugar lalo na ang mga naninirahan sa mabababang lugar ay pinag-iingat sa posibleng pagbaha at landslides.