Duterte muling binatikos ang Iceland

‘I hope you freeze in time.’

Ito ang naging panibagong banat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Iceland dahil sa pagbatikos sa kanyang anti-drug war campaign na nauwi na umano sa extra judicial killings.

Sa talumpati ng pangulo sa 31st anniversary ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa Department of Agrarian Reform (DAR) office sa Quezon City, sinabi nito na hindi niya maatim na nag-aalala ang Iceland sa buhay ng mga drug pushers na napapatay sa police operation gayung hinahayaan at ginawa namang legal ng kanilang pamahalaan ang aborsyon.

Ayon sa pangulo, hinahayaan ng Iceland ang slaughter o talamak na pagpatay sa mga sanggol na nasa sinapupunan pa at hindi pa isinisilang.

Nabatid na legal ang aborsyon sa Iceland kapag 22 weeks pa lamang ang sanggol sa sinapupunan.

Ayon sa pangulo, palibhasa “bobo” ang nga taga Iceland dahil puro ice ang kanilang kinakain kung kaya hindi nila maindintihan na ang mga lulong sa ilegal na droga sa bansa ang nagdudulot ng social dysfunction o pagkakagulo sa lipunan.

 

Read more...