Anne Curtis may special appearance sa ‘dog movie’ ni Sarah G.

Viva Artists Agency IG

Matapos ang pag-ingay ng guesting ni Regine Velasquez, isa pang ‘big star’ ang may special appearance sa upcoming movie ni Sarah Geronimo.

Ibinahagi ng Viva Artists Agency sa Instagram Martes ng gabi ang mga larawan ni Anne Curtis habang nasa shoot kasama si Geronimo at ang isang aso.

Suot ni Curtis ang uniporme ng isang nurse.

Ang post ng Viva Artists Agency ay may nakalagay na #Unforgettable na tila pahiwatig na pamagat ito ng pelikula sa ilalim ng direksyon ni Jun Robles Lana.

Ganito rin ang hashtag ni Lana sa isang  Twitter post noong July kung saan makikita si Regine Velasquez sa shooting ng pelikula.

Sa ngayon hindi pa malinaw ang tunay na pamagat ng pelikula ni Geronimo dahil sa isang post  ng Viva Entertainment noong August 7, ‘Because You Love Me’ ang nakalagay na project title.

Nauna nang sinabi ng popstar royalty na isang dream come true project sa kanya ang pelikula at hiniling niya mismo ito kay VIVA CEO and Chairman Vic Del Rosario.

Nakatakdang ipalabas ang pelikula ng singer-actress sa buwan ng Oktubre.

Read more...