Pinabulaanan ni Energy Sec. Alfonso Cusi ang balitang malapit nang maubos ang supply ng natural gas sa Malampaya.
Sa pagdinig ng House Appropriations on Committee sa 2020 budget ng Department of Energy, inusisa ni House Minority Leader Bienvenido Abante si Cusi hinggil sa lagay ng supply ng gas sa Malampaya sa ngayon.
Ayon kay Cusi, aabot pa ng hanggang 2027 ang supply ng natural gas na kinukuha sa Malampaya, na ginagamit sa electricity production.
Sinabi ni Cusi na 15 percent ng kuryente ginagamit ngayon ay nagmumula sa gas na hinahango ng Malampaya.
Samantala, pinag-aaralan na rin ng DOE ayon kay Cusi ang mga posibleng gawing hakbang kapag matapos na Service Contract ng Malampaya sa 2024.
MOST READ
LATEST STORIES