Batay sa kaniyang Facebook page, sinabi ni Mayor Joy Belmonte na nagsagawa na ng pre-disaster risk assessment briefing ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) kasama ang PAGASA weather bureau.
Tinalakay sa nasabing briefing ang gagawing paghahanda sa posibleng paghagupit ng sama ng panahon.
Nasa 200 tauhan ang nakaantabay para rumesponde sakaling magkaroon ng pagbaha.
Nagsagawa rin ng dredging at declogging sa mga gutter para maiwasan ang pagbaha sa lungsod.
Itinupi na rin ang mga billboard sa mga gusali.
Ayon sa alkalde, hindi dapat maliitin ang bagyo at gagawin ng pamahalaang lokal ang lahat para malimitahan ang epekto nito sa mga residente ng Quezon City.