Bagyong Jenny tatama sa Aurora mamayang gabi

Naglabas ng Rainfall Advisory no. 6 ang PAGASA pasado ala-2:00 ngayong hapon na patuloy makaaapekto sa Metro Manila at nga kalapit lalawigan ang bagyong Jenny.

Dahil dito, patuloy na makararanas ng mahina hanggang sa katam-taman pagbuhos ng ulan ang Bataan, Cavite, Laguna at Batangas.

Ang mahina hanggang sa katam-taman pagbuhos ng ulan ay makaaapekto din sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Pampanga, Bulacan, Rizal at Quezon.

Ayon PAGASA, inaasahan naman na tatama sa lupa ang bagyong Jenny mamamayang gabi o bukas ng umaga.

Narito ang mga lugar sa Luzon na nakataas ang Tropical Cyclone Signal:

Signal no. 2

* Isabela

* Aurora

* Quirino

Signal number 1

* Cagayan

* Nueva Vizcaya

* Apayao

* Abra

* Kalinga

* Mountain Province

* Ifugao

* Benguet

* Ilocos Norte

* Ilocos Sur

* La Union

* Pangasinan

* Nueva Ecija

* Tarlac

* Zambales

* Bataan

* Pampanga

* Bulacan

* Metro Manila

* Rizal

*  Polillo Islands at Alabat Island

* Cavite

* Laguna

* Camarines Norte

* Camarines Sur

* Catanduanes

Payo naman ng PAGASA sa publiko na nakatira malapit sa mga flash flood area at landslide area na magingat dahil maaaring mag dulot ng pagbaha at landslide ang pagbuhos ng ulan.

Paalala naman ng PAGASA sa mga local disaster risk reduction and managent coucil na bantayan ang kanilang mga weather update para makaiwas sa sakuna na dala ng masamang lagay ng panahon.

Read more...