Mula sa kasalukuyang P6.7 Billion, humihirit ang OP ng P8.2 Billion o mas mataas ng P1.5 Billion.
Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, kailangan na taasan ang pondo para mas maging mabisa at epektibo ang pagbibigay serbisyo publiko.
Sinabi pa ni Panelo na ang OP ang nagiging takbuhan kapag nakararanas ng national emergencies at mga kalamidad.
Idinagdag pa ng kalihim na ang OP rin ang nagiging takbuhan ng ordinaryong mamamayan na nangangailangan ng tulong.
Dagdag ni Panelo, ang tanggapan rin ng pangulo din ang nagiging sandalan ng mga departamento at mga ahensya kapag kinakapos sa pondo.
Iginiit pa ni Panelo, na kailangan ang dagdag pondo para masiguro ang seguridad ng bansa mula sa panloob at panlabas na banta.
Mahalaga rin aniya na mapangalagaan ang soberenya ng bansa.