Good Conduct Time Allowance sinuspinde ng DOJ

DOJ

Ipinag-utos ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang pansamantalang suspensiyon sa pagproseso ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) sa mga bilanggo.

Ayon sa kalihim, layon lamang ng suspensiyon na maging maingat para sa mga maaring mabigyan ng benepisyo ng GCTA.

Matatandang inihayag ng DOJ ang pagnanais na suspensiyon matapos mabuo ang task force na susuri sa guidelines ng GCTA kasunod ng pagtutol sa posibleng paglaya ni convited rapist-murderer at dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Noong nakaraang linggo, nasa dalawang daang preso ang napalaya matapos mapaigsi ng GCTA ang kanilang sentensya.

Read more...