Korean group na BTS wagi bilang Best K-Pop Group sa MTV Awards

Nakuha ng Korean boy group na BTS ang kauna-unahang Best K-pop group award sa MTV Video Music Award.

Hindi naman nakadalo ang grupo para tanggapin ang kanilang tropeo para sa kantang “Boy With Luv.”

Ang Best K-pop ay bagong kategorya sa VMA na umani ng batikos sa maraming K-pop fans dahil marami ang naniniwala sa pagiging racist nito.

Kabilang sa mga nominado ang grupo Blackpink, Monsta X, EXO, NCT 127 at ang TXT.

Read more...