Rainfall advisory nakataas pa rin sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

Nakataas pa rin ang rainfall advisory ng PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Sa abiso ng PAGASA, alas 11:00 ng umaga, mahina hanggang katamtamang buhos ng ulan ang patuloy na mararanasan sa Metro Manila, Tarlac, Cavite, Laguna, Batangas, at Pampanga.

Ganitong lagay rin ng panahon ang umiiral na sa Nueva Ecija, Bulacan, Rizal, at Quezon.

Alas 2:00 ng hapon ay muling magpapalabas ng rainfall advisory ang PAGASA.

Read more...