AFP dapat mag-isip ng ibang paraan para mahikayat ang mga estudyante na mag-sundalo

Naniniwala si Senator Imee Marcos na dapat mas may maganda pang ialok ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga estudyante.

Ayon kay Marcos hindi lang dapat ang ROTC ang gamitin para manghikayat ng mga estudyante na mag-sundalo.

Aniya maganda kung mapapaniwala ng AFP ang mga kabataan na ang pagiging sundalo ay makakapagpabuti ng kanilang buhay.

Dapat mag alok din ng libreng pag aaral, libreng pangpapa ospital, life insurance at allowance para hindi mahikayat ng mga puwersang kontra sa gobyerno.

Dagdag pa ni Marcos dapat paigtingin ang recruitment sa mga lugar kung saan ikinukunsidera na malaking karangalan ang pagiging sundalo.

Read more...